Physio

Ang lalakas bumoses ng mga alumni tungkol sa Physio

Kung alam niyo lang yung pagkakaiba ng grading system niya ngayon lalo na sa final products niya; isipin niyo last Physio1, kapag nabunot yung kagrupo mong makikilala mo lang sa araw mismo, 20 plus questions with pagkahabahabang answers sa final product recitation, tapos biglang namental block or nabobo siya ay matik 80 pababa na agad fp grade ng buong grupo. Kapag nagpass naman matik minus 10 sa buong group sa fp grade.

Sa Physio2 ngayon mas maraming questions, pero kapag nag-pass yung kagrupo mo matik 60 na grade niya, at least ‘di na damay yung groupmates!

Required ka maging robot e! Kapag ‘di mo kinaya maging robot pinapahiya ka pa malala sa harap ng 100 plus students!

Magkakaiba rin tayo ng set of professors, alam niyo naman na yung mga antigong prof ngayon sa DLSAU ay karamihan tatamad tamad na, puro kami self learning–lalo na sa mga Agri grad professors na tipong mas bata pa sa amin at wala masyadong alam sa pinagtuturo nila–kaya katutak na group reportings at video editings ang pinaggagawa namin para estudyante na lang din magturo sa kapwa estudyante, eh sila naman yung sumesweldo. Kayo noon may karapatan kayong pumili ng professor, pati magpalipat ng block kapag ayaw niyo sa professor!

Meron kayong petition of subjects noon, kami wala na ngayon! One on one tutorial na lang tapos pagkamahal mahal pa ng bayad.

Napakaraming estudyante pa na nakakalusot sa mga subjects na ‘di pa naman dapat nila ittake nang dahil sa napakapangit na enrollment system. Sa sobrang daming estudyante ngayon sa VetMed mas priority na yung mga bagsakin na irregular student para sa subject slot kaysa sa regular students! Kaya yung mga regular students nagiging irregular na rin dahil sa kapalpakan ng online enrollment system!

Baka may malakas din loob dito na nag-online classes lang sa physio 1-3, baka maalala niyo lahat ng pandaraya niyong pinaggagawa noon kaya nakaabot kayo sa large animal duties niyo!

Culling malala nangyayari sa amin kasi isipin niyo from present 1st year to 3rd year umaabot ng 15 blocks per year, per block 40 plus students pa! Tipong ‘di na kami kasya sa iisang room, may mga times na nakatayo na lang yung iba kasi kulang kulang at sira mga upuan! Kaya madalas ginagawa kaming masterclass tipong ‘di na namin naririnig yung prof at ‘di na nakikita yung sinusulat niya sa kakarampot na board sa sobrang laki ng room.

Samahan mo pa na puro discouraging at panlalait na messages ang pinuputak ng prof every meeting, malamang iba na henerasyon namin ngayon talagang snowflake o p*ssy kami, kaysa sa inyo na noon mas na-eencourage kayo sa negative comments, alam niyo naman na ang panahon ngayon baliktad na kasi positive=positive na.

Ang lakas niyong mang-invalidate akala niyo ‘di kami aware sa differences at kung gaano kadali at kaluwag si Doc sa inyo noon. Pinasok namin ‘tong kurso na ‘to, pero ‘di namin akalain na ganito pala sistema ng eskuwelahang ito!

Anong akala niyo, kapag mali na yung sistema iiyak na lang kami at magngungoyngoy? Nakailang reklamo na kami sa faculty, at magsabi sa walang kwentang ebalwasyon na ‘yan, pero wala namang nangyayaring maganda at improvement, kundi palala lang nang palala! Ang hirap na ng buhay ngayon, mas lalo pang pinapahirap.

Bihira na yung group studies at good friends ngayon dito sa DLSAU, katutak na issue making at siraan ang mga orgs! Kaya karamihan talaga sariling sikap na lang.

Kaya kung may magreklamo o maglabas ng sama ng loob at kulungkutan dito sa FW na tipong ginagawa niya best niya, dugo’t pawis na ang ginugulgol, ‘wag niyo na sanang laitin!

Sana alamin niyo muna yung sitwasyon ng henerasyon ngayon kaysa sa pagkukumpara na napakapiece of cake ng Phsyio niyo noon!!!

Ilang taon kaming mabubulok dito sa DLSAU na sana nagttrabaho na rin kami katulad niyo. No room for errors kami ngayon, kasalanan magkamali at maging tao sa amin ngayon!